top of page

Pagbati Sa Mga Mag-aaral

  • Councilor Atty. Raul Corro
  • Jun 8, 2015
  • 1 min read

Maligayang pagbati sa lahat ng mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan na nagbabalik eskwela ngayong SY 2015-2016. Hinahangaan namin kayo sa inyong pagsisikap na makakuha ng edukasyon na pakikinabangan ninyo ngayon pa lang at sa hinaharap. Ang ilan sa mga praktikal na pkinabang na makukuha ninyo sa paaralan ay karunungan, kakayahang mag-isip at gumawa ng pagpapasiya, pagkakapit ng mabubuting katangian lalo na sa pakikitungo sa iba, at praktikal na pagsasanay sa trabaho.


Binibigyan din namin ng komendasyon ang mga magulang sa suporta na ibinibigay ninyo sa inyong mga anak. Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4 Ps) at ang K to 12 Program ay ilan lamang sa mga programa ng ating pamahalaan na makakatulong sa inyo. Ang inyong lingkod ay naglaan din ng proyektong Libreng Hatid-Sundo sa paaralan para sa mahihirap na pamilya.


Mangyari lamang na pumunta sa City Hall para sa karagdagang impormasyon.

Hangad ko ang tagumpay ninyong lahat.


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

© 2023 by Success Consulting. Proudly created with Wix.com.

  • Wix Facebook page
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page